Biyenan utas, misis sugatan sa nag-amok

NAPATAY ng nag-amok na mister ang kanyang biyenan habang malubha namang nasugatan ang kanyang misis at dalawang taong gulang na pamangkin sa Cebu, sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Sa impormasyong ibinahagi ni PNP Spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., target na ng manhunt operation ang suspek na si Rolando Plarisan, 33, tubong Negros Oriental.

Nabatid na lasing ang suspek nang mag-amok sa kasagsagan ng pagdiriwang ng kapistahan sa Sitio Private, Bangaya Mantalungon,  Dalaguete, Cebu.

Kinilala ang namatay na si Lucas Binarao, 48, nagtamo ng saksak sa kanyang dibdib at tiyan.

Kasalukuyan namang nasa malubhang kalagayan si Maricel Binarao, 28, may saksak sa likod at tiyan habang sugatan naman sa kamay ang dalawang taong gulang na pamangkin.

Sa imbestigasyon ng Dalaguete Police Station, napag-alaman na nangyari ang krimen sa kasagsagan ng fiesta kung saan nag-away si Maricel at ang suspek.

Nang makita ng ama ni Maricel na sinasaktan ang kanyang anak ng suspek ay sinugod niya ang kanyang manugang ngunit kumuha ang suspek ng kutsilyo, saka sinaksak ang dalawa.

Unang sinaksak ng suspek ang kanyang misis  at isinunod ang kanyang biyenan.

Nadamay naman ang pamangkin nito sa nangyaring pananaksak, matapos mag-agawan ng patalim ang suspek at ang biyenan nitong lalake.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply