Blue book ng carjacking syndicate ilalabas na

IPINALALABAS na sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ng ama ng isa sa mga biktimang si car dealer Venson Evangelista ang ‘blue book’ para mahubaran ng maskara ang mga opisyal ng gobyerno na protektor ng carjacking syndicates.

Ito ang ipinanawagang muli ni Arsenio “Boy” Evangelista, kay Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo na ilabas ang laman ng “blue book” dahil ito lamang ang susi para masawata ang carjacking groups sa bansa.

Ang sinasabi ni Evangelista na dokumento ay listahan ng mga pangalan ng Land Transportation Office (LTO), car insurance at police officials na tumutulong sa car syndicates para hindi mahuli sa kanilang ikinakasang krimen.

Si Mendiola ay isa sa mga suspek sa Evangelista slay case bago naging state witness. Inakusahan nito sina suspected carjack leaders Raymond at Roger Dominguez na mastermind sa krimen.

Inabandona ang bangkay ni Mendiola sa Dasmariñas, kasama ang 2 iba pa kabilang ang kanyang nobyo.

Pinasinungalingan naman ni Evangelista na may isinasangkot siyang isang Philippine

National Police (PNP) general sa Mendiola’s murder.

Baka aniya na-misquote lamang ang huling text message ni Mendiola na ipinadala sa kanya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply