Bogus na importers, brokers sa BoC wawalisin

SASALAIN nang mabuti ni whistle blower at dating military budget officer Ret. Col. George Rabusa ang listahan ng mga accredited na importer at broker sa pagkakatalaga nito bilang consultant sa isa sa juicy post sa loob ng bakuran ng pantalan ang Interim Customs Accreditation and Registration Unit (ICARE).

Magugunita na si Rabusa ang buong tapang na tumayo at nagpaputok laban sa multi-milyon pisong anomalya at mga pabaon system sa Armed Forces of the Philippines, na nagresulta sa pagpapatiwakal ng yumaong dating AFP chief Angelo Reyes.

Sa kanyang pagkakatalaga sa BoC-ICARE ni Deputy Commissioner for Intelligence Group Danny Lim, inaasahang malilinis nito ang humahaba at lumolobong listahang ng importers at brokers sa customs.

Sa ngayon ay umaabot na sa may 13,000 accredited na importer at broker ang nasa listahan ng ICARE nang ito ay nasa ilalim pa ng pamamahala ng Revenue Collection and Monitoring Group (RCMG) na karamihan ay bogus o ginagamit bilang conduit o fictious in character upang malayang magamit sa pagpupuslit ng mga kontrabando sa pantalan.

Naging bantog din ang ICARE dahil sa talamak na lagayan mula P25,000 pataas, upang mairehistro lamang ang isang importer o broker nang walang kahirap-hirap.

Nandiyan din ang bentahan ng rehistro na aabot sa P100,000 hanggang P300,000 para sa isang buong taong operasyon na kinakagat ng mga iligalistang importador upang gamitin sa pagpupuslit ng kontrabando.

Inaasahan na sa pag-upo ni Rabusa sa ICARE ay makakatulong ito sa paglinis ng listahan sa pagitan ng mga lehitimo at bogus na importer at broker.

Samantala, nagpahayag naman ng pagkabahala ang ilang customs old-timers sa patuloy na pagpasok ng mga ex-military men tulad ni Rabusa na may nakabinbin dalawang kaso ng plunder sa Ombudsman.

Nandiyan din ang open-secret na pag-ali-aligid sa loob ng BoC ng ilan pang mga sundalo na nakasama noon taong 2006 sa ‘coup-plot attempt’ laban kay dating Presidente Gloria Arroyo.

Nangangamba rin ang old-timers sa dahilang karamihan sa mga sundalong ito ay humahawak o nagpe-perform ng mga maseselang posisyon sa BoC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply