Bong bagong chairman ng Lakas Council

INIHALAL si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., bilang bagong chairman ng National Council of Leaders ng Lakas-CMD Party bukod sa pagiging presidente ng partido.

Sa ginanap na executive committee meeting nitong Biyernes sa Diamond Hotel, binigyan din si Revilla ng blanket authority na magtalaga sa komposisyon ng konseho.

Isang resolusyon din ang pinagtibay ng Konseho na ibalik sa Lakas Christian Muslim Democrats (CMD) ang pangalan ng partido.

Sa kanyang keynote speech, sinabi ni Revilla na walang ibang kalakasan ang partido kundi ang katapatan at commitment ng kasapian nito.

“Noong panahong pinupukol ng kung anu-anong intriga ang ating partido, hindi tayo lumipat ng kampo. Naging Presidente tayo ng LAKAS noong panahong sinasabi nilang wala nang LAKAS, pero hanggang ngayon nandito tayo. Hindi tayo tulad ng dahon ng saging na kung saan malakas ang hangin, dun kikiling,” aniya.

Ayon kay Revilla, ipagpapatuloy ng Lakas na makamit ang pangarap kahit hindi sila ngayon ang ruling party.

Tiniyak pa ni Revilla ng susuportahan niya ang anumang magiging desiyson ng partido sa hinaharap.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply