Bong Revilla, Vic Sotto muling magsasama sa pelikula

NGAYON pa lang ay halata na ang kasayahan ni  Sen. Bong Revilla na muli silang magsasamaa ni Vic Sotto sa isang pelikula na ilalahok sa 2012 Metro Manila Film Festival. Ang una kasi nilang pagsasama sa isang entry ay nag-no. 1 sa takilya sa filmfest two years ago.

Kahit gumagawa ng pelikula ni Sen.Bong, hindi niya kinalilimutan ang kanyang pagiging public servant.

Madalas siyang napanonood sa TV ngayon bilang isa sa judges sa impeachment trial ni CJ Corona.

Pero may panahon rin siya sa taping ng Kap’s Amazing Stories, ang top rating infotainment program ng GMA7 na tumatalakay sa environment. Tinatalakay ngayon ang episode na Human Planet at dini-discuss rito kung paano na- kasu-survive ang mga tao na ninirahan sa Frigid or temperate zones sa mundo, ang lugar na sobrang lamig pero nabubuhay pa rin sila.

Mapanonood ang Kap’s pagkatapos ng Tweets for My Sweet.

000

MASAYANG nagkuwento si Derrick Monasterio na nakapanood siya ng Lakers team game sa Los Angeles, California. Kasama niyang nanood si Alden Richards dahil ito ang nakakuha ng complimentary tickets na courtesy ni Dr. Vicki Belo dahil endorser niya si Alden.

Parang dream come true para kina Derrick at Alden na makapanood ng live ng laro ng NBA na tampok pa ang  paborito nilang team na Lakers. Buti naman nang nanonood sila ay nanalo ang kanilang paboritong team.

Sa nalalapit na pagtatapos ng Tween Hearts, maraming revelations sa istorya ang mapanonood tulad ng mga sumusunod na pangyayari:

Isang araw, maglalakas-loob si Jacob na tanungin si Bel kung ready na itong makipagbalikang muli.

Tatanggi si Bel dahil magulo pa ang sitwasyon niya.

Kakalabas lang ng ospital ni Bambi kaya gusto niya munang alagaan ito. Aya confronts Bel if this is the real reason kung bakit magulo ang isip niya.
Aaminin ni Aya na she witnessed what happened between Rick and Bel. Aya suggests na aminin nito ang nangyari kay Heidi bago pa ito malaman ni Heidi sa iba.

Kakausapin naman ni Chris si Rick at aaminin nito na nakita niya ang kiss nila ni Bel. Magpapaliwanag si Rick na walang ibig sabihin ang halik na iyon.

Sasabihin ni Chris na kung ganun ay walang dapat itago si Rick kay Jacob.

Susundin ni Rick ang payo ni Chris. Kakausapin niya si Jacob at aaminin na hinalikan niya si Bel.

Magagalit si Jacob sa narinig at masusuntok si Rick.

Makikita ito ni Heidi at malalaman mula kay Jacob ang tunay na nangyari.

Pag-uwi ni Heidi, makikita niya sina Bel at Aya na nag-aabang sa kaniya. Aaminin na sana ni Bel ang nangyari sa kanila ni Rick pero sasalubungin siya ng sampal ni Heidi. Nauna na nitong nalaman ang tungkol sa kiss.

Friendship over na ba para kina BELINDA at HEIDI? Matapos umamin ni RICK kay JACOB na hinalikan niya si Belinda, biglang lalaki ang lamat ng apat na magkakaibigan.

Para maka-move on, magde-desisyon si Heidi na lumayo na lang sa barkada. Pero si Belinda, may isa pang problemang haharapin: ang nanawalang si BAMBI!

000

Itinuturing na karangalan ng Pilipinas si Jessica Sanchez buhat nang tanghaling runner up sa America Idol. Siya ang kauna-unahang may dugong Pilipino na nakaabot sa finale ng itinuturing na pinakasikat na singing contest sa America. Hindi man nakamit ni Jessica  ang titulong American Idol, hindi naman maikakaila na napukaw ng kanyang galing sa pagkanta ang paghanga ng halos buong mundo. At para sa maraming Pilipino, si Jessica Sanchez pa rin ang kanilang international singing idol!

Ngayong Sabado ng gabi, sa Kapuso Mo, Jessica Soho, muling sariwain ang huling birit ng American Idol Finalist na si Jessica Sanchez!

Sa kabila naman ng mga batikos at kilos-protesta sa pagtatanghal ng pop superstar na si Lady Gaga rito sa Pilipinas, natuloy pa rin ang kanyang concert na dinumog ng libu-libong Little Monsters, bansag sa kanyang die hard fans. Isa na sa mga ito si Prince.

Dahil chickboy raw s’ya, sapul na sapol siya ng kantang Bad Romance kung kaya ganun na lang daw ang pagkahumaling niya kay Lady Gaga.

Tampok rin ang naiibang asim na hatid ng calamondin o calamansi. Kahit maliliit lang ang bunga ng calamondin o calamansi, ang katas naman nito, asim to the bones! Mula sa calamansi, nakapipiga ng maasim na katas si Chef Jac para gamiting sangkap sa paggawa ng Chocolate Truffle. Katas din ng calamansi at maging ang ginadgad na ba -lat nito ang secret ingredient ng Chocolate Kiss cake ni Caroline. Samantalang si Chef Jonathan naman, Cala- mansi Pasta with Spicy Tuyo ang specialty.

Abangan lahat nang ito sa Kapuso Mo Jessica Soho, ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng Kapuso  Movienight, sa GMA-7.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply