Bongbong, Joker, Miriam pabor kay CJ

TATLO ang natitiyak kong boboto para hindi mapatalsik si CJ Renato Corona. Sila ay sina Bongbong Marcos, Joker Arroyo at Miriam Defensor Santiago.

Kung manalo man si Corona sa botohan sa impeachment trial na nakatakda bukas ng hapon ay malamang na hindi na manalo sa mga susunod na eleksyon ang tatlong nabanggit na pro-Coronang senador, sina Bongbong, Joker at Miriam.

Ang basehan ko ay ang dami ng mga nagte-text at nag-twi-Twitter na nagsasabing dapat tanggalin na si Corona sa Supreme Court at kasuhan na ito ng pagkakakulong sa iba’t ibang kasalanan katulad ng tax evasion.

Naniniwala akong si Bongbong ay babalik na lang uli sa Ilokos upang maging gobernador o congressman. Tapos na ang pangarap niyang maging Pangulo ng Pilipinas.

Si Joker naman ay baka tatakbo na lamang bilang kinatawan ng Forbes Park kung sakaling maging kaalyado siya ng mga Binay, ang political power sa Makati. O mag-retire na lamang.

Baka mga kasambahay sa Forbes Park hindi siya iboto. At ang mga rich ang famous sa Makati ay hindi na siya iboto uli.

Si Miriam ay pupunta na sa Geneva upang maging miyembro ng International Court of Justice. Babalik na lamang uli siya sa Pinas kapag nakalimutan na ang impeachment trial ni Corona.

Maiiwan niya ang kanyang mga kamag-anak na pawang mga kaalyado ni Gloria Macapagal-Arroyo. May pinsan si Miriam na mambabatas at kapag minamalas-malas ay matalo pa sa congressional elections.

Sa iba pang mga boboto para manatili si Corona sa puwesto ay malamang na tapos na rin ang kanilang kapalaran bilang mga senador.

Kung sakaling bumoto si Jinggoy Estrada pabor kay Corona, ano ang naghihintay na kapalaran sa kandidatura ni Erap Estrada na gustong tumakbong mayor ng Maynila? Baka matalo pa siya ni incumbent Mayor Fred Lim.

Mahirap arukin ang posisyon ng marami pang senador sa kaso ni Corona. Manalo man o matalo si Corona sa impeachment trial, ang lahat ng ito ay tiyak na mag-papabago sa pananaw ng taumbayan sa Supreme Court.

Huling sandalan na lamang ng mga naaapi ang Supreme Court pero sa ngayon ay sirang-sira na ito. Lalong nawawalan ng tiwala ang bayan sa hustisya.

Sa ikauunlad ng bayan, sana ay mag-resign na lamang si Corona dahil hindi na siya effective bilang justice ng Supreme Court.

Pero sabi nga ni Corona, “I am not a fool.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply