Bongga ang signature watch na regalo ni Kuya Boy kay Ate Guy!

ISANG bonggang-bonggang relo ang advance birthday gift ng King of Talk at host ng Sunday showbiz-oriented talk show The Buzz na si Boy Abunda sa kanyang idolong si Nora Aunor na magsi-celebrate ng kanyang 58th birthday ngayong May 21. Personal na inabot ni Kuya Boy ang kanyang regalo during his one-on-one interview with the Superstar para sa Inside the Cinema na mapanonood sa Cinema One bukas ng gabi, May 8.

Gaya ng inaasahan, walang humpay na yakapan at kwentuhan ang ginawa nina Kuya Boy at Ate Guy before and after the interview. Isususot daw talaga ni Ate Guy ang relong binigay sa kanya ni Kuya Boy at iti-treasure niya raw ‘to for the rest of her life sabi ng Superstar sa amin.

This is the second time na naka-one-on-one ng king of TV talk ang Superstar mula nang bumalik ito ng bansa after eight years. Super interesting ang interview ni Kuya Boy kay Ate Guy. Akala namin, knows na namin most of the stories about Ate Guy. Pero nasorpresa pa rin kami sa mga rebelasyong napiga ng TV host mula sa aktres tungkol sa mga pelikulang nagawa niya sa mga napakahuhusay na director ng bansa from Gerry de Leon to Brillante Mendoza.

Na-discover rin namin kung sino ‘yung male showbiz na super tyaga talaga sa panliligaw noon kay Ate Guy. Kaya lang, ayaw ng fans niya dahil halos lahat e maka-Tirso Cruz III. Wiz na namin sasabihin kung sino ‘yung actor ‘no. Mas mabuti na panoorin ninyo na lang po muna ang interbyu ni Kuya Boy kay Ate Guy sa Cinema One.

o0o

NAKADAGDAG ng saya at confidence sa pagrampa ni Richard Gutierrez sa launching ng bago niyang ini-endorse na Bench deo-cologne na Gutz and Glory ang presensya ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Ganu’n raw talaga ka-supportive ang pamilya niya sa kanya especially his mom.

Marami ang bumilib kay Richard sa latest controversy ng Mommy niya at ni Nadia Montenegro dahil ‘di raw nakisawsaw ang aktor.

“Well, kinausap ko nga ‘yung Mom ko about it and she told the whole family nga na when it comes to her battle, ah, let her fight it daw and she’s gonna tells us when she needs our help. So, pinabayaan na namin si Mommy and of course, alam naman namin ‘yung totoo. Alam naman namin na mabuti siyang tao. So, for us alam namin na kaya niyang ipaglaban ang katotohanan kasi ang Mom ko hindi marunong magsinungaling ‘yun, e,” lahad ni Richard.

Pero nadawit ang pangalan niya sa isyu sa balitang nagpadala siya diumano ng text message sa anak ni Nadia na si Ynna Asistio.

“Wala ring katotohanan ‘yun. Hindi ko nga alam ang number nila, e,” sambit ni Richard.

Hindi na raw nagtataka si Richard  kung siya man ang mapagbintangan na nagpapadala ng text messages kay Ynna.

“Lahat naman ng mga inimbento nilang kwento trinay nila ilabas sa media, so, ako, hindi na ako nagpapaapekto sa kanila kasi it’s all lies,” sabi pa ni Richard.

Nagkita na raw sila dati ni Ynna sa GMA7 but recently, hindi pa.

“Nu’ng nakita ko siya before, uhm, nakita ko lang siya from afar. Hindi ko siya nakita malapitan.”

Kapag nagkasalubong ba sila ni Ynna sa GMA7, ano ang gagawin niya?

“No, I will not say hi to her,” sagot ni Richard.

‘Yun na.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply