Boto ng Enrile bloc vs Corona walang basbas ni PNoy

WALANG kinalaman si Pangulong Benigno Aquino III sa nangyaring pagpupulong ng grupo ni Senate President Juan Ponce-Enrile sa bahay ni Sen. Loren Legarda noong Linggo kaugnay sa hatol laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na sariling desisyon ito nina Enrile at walang kinalaman ang Malakanyang dito.

Sa nangyaring pulong ng Enrile bloc, napag-alaman na pinagtibay ang hatol na guilty laban sa dating Punong Mahistrado.

Kumbinsido ang Malakanyang na walang iregularidad sa nabanggit na pulong dahil karaniwang ginagawa ang caucus kapag may malalaking isyu ang Senado.

Ginawa ang meeting sa bahay ni Legarda sa Forbes Park, Makati City noong Linggo ng gabi kung saan dumalo sina Senators Tito Sotto, Jinggoy Estrada, Gringo Honasan, Bong Revilla at Manny Villar.

Nauna nang sinabi na magiging “swing vote” ang Enrile bloc at dito nakadepende ang conviction o acquittal kay Corona.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply