Botohan kay Corona, igagaya sa VFA approval

IGAGAYA ng Senado sa botohan ng Visiting Forces Agreement (VFA) noong Mayo 1999 ang botohan sa hatol nila sa impeachment case ni Chief Justice Renato Corona ngayong Martes.

“Yung proseso ng botohan, kapareho ng botohan ng VFA noong 1999,” wika ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III.

Sa prosesong ito, pinaliwanag ni Sotto na magiging alphabetical ang order ng botohan kung saan mauuna si Senator-Judge Edgardo Angara kasunod si Senator- Judge Joker Arroyo.

Ipapaliwanag muna nila ang kanilang boto bago sabihin kung para sa conviction o acquittal ang kanilang boto. Sinabi ni Sotto na may nagpanukala na botohan muna bago ang paliwanag, pero ito’y isinantabi.

Ang kinakailangang boto para ma-convict si Corona ay 2/3 ng kabuuang miyembro ng Senado o 16 boto habang 1/3 naman para sa acquittal o 8 boto.

Dahil dito, naniniwala si Sotto na ang pressure ng botohan ay nasa kamay ng ika-16 na senador na boboto hanggang sa ika-23.

“Yung boto ng 16th to 23rd ang crucial diyan,”wika ni Sotto.

Naniniwala din ang senador na ang baliktaran ng boto ay makikita sa pitong senador-judge na huling boboto, lalo na kung makikita nilang lamang na ang conviction o di-kaya ay ang acquittal ni Corona base sa resulta ng mga naunang bumoto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply