Botohan ng Senate Impeachment Court nagsimula na

NAGSIMULA na ngayon ang botohan ng Senate Impeachment Court para sa paggawad ng hatol kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Bahagyang naantala ang pagbubukas ng impeachment court at dakong alas-2:20 na ng hapon nagsimula.

Pinangunahan ni Senator-judge Manny Villar ang panalangin.

Hahatulan na ang punong mahistrado makaraan ang 42 araw ng paglilitis sa loob ng mahigit apat na buwan.

Boboto ang mga senatdor sa tatlong Article of Impeachment, ang 2, 3 at 7.

Binigyan naman ni Presiding officer Juan Ponce Enrile ang mga senator-judge ng unlimited time para maipaliwanag ang kanilang boto.

Isa-isang tatayo ang mga senator-judge (alphabetical order) at ipaliliwanag ang kanilang boto.

Kinakailangan ang 16 na boto para tuluyang mapatalsik ang punong mahistrado habang walo lamang para maabswelto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply