Boutique sa isang mall sa Cebu hinoldap

HINOLDAP ng dalawang lalaki ang isang boutique sa loob ng isang mall sa Barangay Apas, Cebu City kaninang umaga.

Naganap ang panghoholdap dakong alas-9:30 habang nagbubukas ang Clothes Minded boutique sa ground floor ng Gaisano Country Mall.

Sa pahayag ng mga empleyado ng tindahan, pinasok ang tindahan ng dalawang lalaki na armado ng patalim at nagdeklara ng holdap.

Natangay ng mga ito ang P13,000 na kinita ng nasabing boutique kahapon (Mayo 3), na nakatakda sanang ideposito sa bangko ngayong hapon.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply