Bradley gagawa ng kasaysayan sa boksing

TINIYAK ni undefeated junior welterweight champion Timothy “The Desert Storm” Bradley Jr. na tatatak sa kasaysayan ang kanilang bakbakan ni superstar Manny Pacquiao sa June 10 sa MGM Grand sa Las Vegas.

Sa kanyang media day kanina, ipinakita ng Cathedral City boxer kung gaano siya kaseryoso sa kanilang laban ng Pambansang Kamao.

Garantisadong kikita ng $26 million si Pacquiao at kung papalarin ay posible pang makaharap si Floyd Mayweather na dodoble ng kanyang kita sa laban niya kay Bradley.

Kung si Bradley naman ang mananalo ay sisikat siya at tataas ang kanyang presyo.

“It’s going to be a focused, determined, hungry storm on June 9, so stay tuned,” ayon kay Bradley.

Dagdag ni Bradley, ang laban na ito ay tatandaan ng maraming tao dahil ibubuhos niya ang lahat upang manalo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply