Brand new cars

TULUYAN ang pagdating ng mga bagong sasakyan dito sa ating bansa. Nasa Mayo pa lamang tayo ng taong 2012 pero mahigit sa sampung mga bagong sasakyan na ang dumating sa Pilipinas mula sa bansang Japan, Korea, USA, Germany at China. Itong nakaraang buwan lamang ng Abril ay limang bagong produkto ang inilabas ng apat na car manufacturers at ito ang gusto kong ipamahagi sa inyo.

Una ay ang Ford Group Philippines na siya ring nagmamay-ari ng Mazda Phils. Inilabas nila ang bagong Mazda 3 at Mazda CX5. Ang all-new Mazda 3 ay may 4-door sedan at 5-door hatchback version.  May 1.6 liter 103 horsepower at 2.0 liter 145 horsepower na makina. Ang Mazda 3 ay yari sa Japan at pinararating dito bilang CBU (Completely Built-Up). Ang presyo para sa 1.6L sedan ay P999,000, 1.6L hatchback ay P1,099,000 at ang 2.0L sedan ay nagkakahalagang P1,299,000. Ito ay may paddle shifters na rin.

Isa ring CBU unit ay ang Mazda CX5 naman na itinuturing na apo ng CX9 at anak naman ng CX7 kahit na halos pareho lang sila ng laki nito. Ang bagong compact crossover ng Mazda ay may manual at automatic transmission variant. Ang CX5 ay may 2.0 liter direct injection SKYACTIV-G engine na 6-speed automatic transmission at ang isang modelo naman ay 6-speed manual transmission. Ito ay may lakas na 162 horsepower. Ang manual transmission ay ibinebenta sa halagang P1,392,000 at ang automatic transmission ay P1,452,000.

Sumunod naman ang Honda Cars Philippines – ang 4th generation CR-V. Ito ay may dalawang modelong pagpipilian. May 2.0 liter 151 horsepower 2-wheel drive SOHC i-VTEC engine na nagkakahalagang P1,425,000 at ang 2.4 liter 182 horsepower 4-wheel drive  DOHC i-VTEC engine naman ay nasa P1,655,000.
Ang dalawang modelo ay parehong may 5-speed automatic transmission. Ang baong CR-V ay CBU mula sa Japan. Ito ang pangatlong produkto na inilabas ng Honda Cars Phils. ngayong taon. Maaalalang malupit ang kanilang pinagdaaanan noong mga nakaraang taon dahil sa tsunami sa Japan at ang pagbaha sa Thailand kung saan pareho silang may planta. Hindi na talaga mapigilan ang pag-ahon ng HCPI. Congratulations!

Toyota Motor Philippines – ang all-new 2012 Camry. Ang luxury car ng Toyota ay may top of the line na 3.5 liter V6 model na may 273 horsepower at 6-speed automatic transmission. Ang halaga nito ay P2,082,000. Ang kanilang 2.5 liter 4-cylinder engine na may lakas na 176 horsepower ay may dalawang klase, ang 2.5V na may halagang P1,681,000 at ang 2.5G sa P1,451,000. Ang TMP ay naapektuhan rin ng tsunami sa Japan kaya naman congratulations rin sa inyo sa patuloy na pagbangon at paglakas!

Hindi rin magpapahuli ang Suzuki Philippines sa kanilang 2012 Kizashi. Ang Kizashi ay may 2.4 liter 4-cylinder engine na may CVT continuously variable transmission na nagbibigay ng 180 horsepower. Ito ang unang luxury car na ipinasok ng Suzuki Philippines sa ating bansa. Ang halaga ng Kizashi ay P1,288,000.

*****

Congratulations sa BMW Car Club of the Philippines o BMWCCP sa kanilang 9th edition ng Bimmerfest, ang kanilang taunang carshow na isinagawa ngayon sa Bonifacio High Street sa Taguig City. Ito ay sa pangunguna ng kanilang pangulong si Edwin Reyes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply