Breastfeeding seminar isasagawa sa Quezon City

ISANG breastfeeding seminar ang ilulunsad ng Quezon City bilang bahagi ng selebrasyon ng Mother’s Day na gaganapin sa Lecture Room A. Legislative Building ng lungsod, sa Lunes (Mayo 14).

Layunin nito na mai-promote ang kahalagahan breastfeeding sa mga empleyado ng city hall lalo na sa mga buntis at nursing mothers

Ayon kay QC Vice Mayor Joy Belmonte, ang lokal na pamahalaan ay lilikha ng support system para sa mga buntis at nursing mothers upang mahikayat ang mga ito na magpa-breastfeed sa halip na gumamit ng mga de-boteng gatas para sa mga anak.

Noong nakaraang Marso, naglagay ang city government ng isang breastfeeding station sa compound ng city hall para mahimok ang mga empleyado at mga nagtutungo doon na maisulong ang breastfeeding  kahit sa labas ng tahanan.

Sa ngayon, ang lungsod ng Quezon City ang isa sa mga progressive city na nagpatupad ng ordinansa sa ilalim ng Breast Feeding Act of 1992.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply