Brigada Eskwela ng DepEd ikinasa

MAGSISIMULA na bukas ang  Brigada Eskwela ng Department of Education (DepED)  na tatagal hanggang Mayo 26, bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 4.

Inanunsyo ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na ang Brigada Eskwela “will specifically focus on school sanitation and on improving the cause of indigenous communities. May 45,000 schools  ang involved dito.   Dito po naman sa Balik Eskwela, ang DepEd  will have a help desk command center for Oplan Balik Eskwela from May 28 ‘til June 8 to assist the public with back to school concerns.”

Sa pagsisimula ng Brigada Eskwela ay sinabi ng opisyal na kaalinsabay naman nito ang pag-aayos ng mga eskwelahan lalo na ang mga school desk sa tulong na rin aniya ng TESDA habang ang Philippine National Police (PNP) ang mangunguna sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pagbubukas ng klase.

Kaugnay naman nito ay patuloy ang DPWH projects para sa flood controls bilang paghahanda naman sa panahon ng tag-ulan.

Magsasanib-puwersa naman ang MMDA, DPWH at PNP sa ipatutupad na reblocking sa iba’t ibang lugar sa bansa lalo na sa diyan EDSA bilang paghahanda pa rin, aniya, sa naturang Balik Eskwela program.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Sec. Lacierda na nananatili ang posisyon ng mga public school na libre ang tuition fee sa ilalim ng public school system.

Tinawagan ng pansin ng Malakanyang ang mga magulang at guardian na agad na ipaalam sa pamahalaan kung may mga public schools ang nagpapabayad sa mga estudyanteng mag-aaral sa kanilang paaralan .

“Handa pong tumulong ang DepEd para ayusin ‘yung ganoong klaseng mga complaint,” ani Sec. Lacierda sabay sabing “Dito po sa disaster preparedness, alam po nating inaayos po natin ‘yung ating mga… That’s the reason why we are fixing the roads, we’re fixing the drainage systems para po pagdating ng rainy season ay maibsan po ang mga matataas na baha sa ating mga kalye. ”

Samantala, kinalampag naman ng Malakanyang ang mga barangay officials na makipagtulungan sa DepEd, MMDA at PNP sa paghahatid ng mga mag-aaral sa paaralan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply