BuCor pinagpapaliwanag sa pamamaril sa loob ng NBP

PINAGPAPALIWANAG ng Department of Justice (DOJ) ang Bureau of Corrections (BuCor) sa naganap na pamamaril sa isang preso ng kapwa niya preso sa loob ng Maximum Security Compound (MSC) ng National Bilibid Prisons (NBP).

Ayon kay Justice Undersecretary Francisco Baraan III kailangang maging katanggap-tanggap ang paliwanag ng BuCor hinggil sa naturang insidente at kung paanong naipasok ang baril sa loob ng NBP gayung mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng deadly weapon sa loob ng piitan.

Ayon kay Baraan, hinihintay na lamang niya ang isusumiteng ulat ni BuCor Chief Gaudencio Pangilinan kaugnay ng insidente.

Kahapon, iniulat na binaril at napatay ng isang bilanggo ang kapwa niya preso sa loob ng piitan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply