Bugbugang Tufo at Santiago pinag-aaralan ng airport authorities

PINAG-AARALAN na ng mga airport authorities ang nangyaring sapakan sa pagitan ng aktor na si Raymart Santiago at kolumnistang si Ramon Tulfo habang nasa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kahapon (Mayo 6).

Dumistansiya ang Malakanyang sa plano ng mga mambabatas na magpasa ng isang resolusyon ukol sa an act of brutality against journalist dahil sa ginawa ng grupo ni Santiago kay Tulfo.

“We do not wish to be thrown to that particular scuffle between the Santiagos and Mr. Mon Tulfo,” ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda.

Sa ulat, napikon si Raymart sa pagkuha ng video ni Tulfo sa misis nitong si Claudine Barretto habang pinapagalitan, sinisigawan at minumura ang stewardess.

Sinasabing nakalimutan kasing i-off-load ang mga bagahe ng grupo ni Claudine o isama sa kanilang flight galing Boracay dahilan upang sermunan nito ang naturang airport staff.

Ayon sa kolumnista, magpapakilala sana siya kay Raymart ngunit pilit na raw kinukuha sa kanya ang kanyang cellphone na siyang pinagmulan ng kaguluhan.

“Noong nakita ko na minumura na niya (Claudine) ang pobreng babae na mangiyak-ngiyak, ipatatanggal daw niya sa trabaho, kinunan ko ng litrato ng cellphone,” ani Tulfo sa isang panayam.

“Tinulak ko siya (Raymart) sabi ko wala kang karapatan na kunin ang cellphone ko. Doon nag-umpisa ang kaguluhan.”

Kasunod nito ay humigit-kumulang pitong katao na raw mula sa kabilang grupo ang pinagtulungan siyang bugbugin kung kaya’t lumaban na rin upang depensahan ang sarili.

Sa ngayon ay nakapagsampa na ng demanda ang magkabilang kampo laban sa isa’t isa.

Ayon sa aktres mahalaga raw ang mga naiwang bagahe dahil naroon ang mga gamot na kailangan ng mga kasama nilang bata.

“I was upset,” ani Claudine.

Kuwento ni Claudine, si Tulfo ang naunang umunday ng suntok sa kanyang mister.

Tinadyakan din daw siya sa hita at tinulak ng malakas ng naturang kolumnista nang tanungin kung ano ang problema nito.

Hinamon ng aktres si Tulfo na ilabas ang video na umano’y nagpapakita na minura ni Claudine ang ilang tauhan ng airport.

Nais din ni Claudine na ilabas ng pamunuan ng NAIA ang CCTV upang magkaalaman kung sino ang nagsimula ng kaguluhan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply