Buking na gumi-gimmick pa rin!

SINASABI ni Pauleen Luna na wala silang relasyon ni Vic Sotto pero sa Facebook account naman niya ay nag-post siya ng “happy birthday love.” Hindi man binanggit ni Pauleen kung sino ang love na tinutukoy niya, obvious naman na si Bossing yun. Araw kasi ng birtthday ni Vic, April 28 nang mag-post ng ganun ang aktres sa kanyang FB account.

Sey ni Pauleen, wala na raw siyang FB account, kaya paano raw siya nakapag-post ng ganun? May ibang tao lang daw na gumawa nun para sa kanya.

Sige na nga!

-0o0-

SEY ni Rayver Cruz, hanggang ngayon daw ay sila pa rin ni Cristine Reyes. Hindi raw sila nag-break na gaya ng mga lumalabas na balita. Kung hindi man daw siya nakasama noon nang mag-Boracay si Cristine, yun ay sa dahil lang nasa ibang bansa raw siya para sa isang show.

Tungkol naman sa nangyaring pagdemanda ni Ara Mina ng libel kay Cristine, ang tanging nasabi lang ng aktor ay nandirito lang siya lagi para sa dalaga. Ayaw raw niyang makialam sa awayan ng magkapatid.

Tamaaa!

-0o0-

NAHIMASAMASAN si Erwin Tulfo at humingi ng paumanhin sa kanyang radio program sa Radyo Singko 92.3. at napanonood sa ‘Aksyon TV’ dahil sa pagbabanta niya kay Raymart Santiago.

Kahit ang kanilang ina ay hindi rin nagustuhan ang naturang pagbabanta.

“Ang sagot ho namin sa aming ina, ito ay bugso ng damdamin. Inilabas lamang ho namin yung aming sama ng loob.”

Na-realize niya na hindi karapat-dapat na magbanta sa kanyang programa bilang isang broadcaster.

“Kami ho ay humihingi ng paumanhin sa aming mga tagapakinig, sa mga nasaktan po, sa mga natakot,” sey niya.

Hindi rin daw kinukunsinti ng TV5 network ang ganoong klaseng matatalas na salita.

Kahit si Mon Tulfo ay hindi pumabor sa ginawang pagbabanta ng nakababatang kapatid.

“Maling-mali sila roon. Pinagalitan ko sila kahapon,” sey niya sa mga nakababatang kapatid.

“’Unang-una, yung public opinion, nasa atin na. Saka yung revenge, e, is the lowest form of retaliation,’ ‘yon ang sabi ko..

“Alam nila na nagkamali sila. Nagsisisi sila.”

“Ako ang pinakamatanda sa magkakapatid. Nagsilbi nga ako na magulang sa kanila noong sila’y nag-aaral pa.”

“Sabi nila, ‘Oo nga, Kuya, talagang nadala lang kami nang makita ka namin na aping-api’.”

‘Yun na!

-0o0-

TAGUMPAY na naidaos ang launching ng PMPC Website (www.pmpcstarnews.com) na kung saan ay panauhing pandangal sina Laguna Governor ER Ejercito, Pagsanjan Mayor Maita Ejercito at NPC President Jerry Yap na ginanap sa Zir- koh, Morato nu’ng May 5.

Nagkaroon din ng contract signing ang PMPC at ang Global Advertising Digital On Line Network Publishing Center (Gadon PC) ni Atty. Lorenzo Gadon. Ang web master ay si Jojo Villaraza.

After ng PMPC website launching ay nag-umpisa na rin ang fund raising show ng club entitled “All for the Love of Juan’ na pinangungunahan nina Jose Manalo, Wally Bayola, Toni Gonzaga, Rocco Nacino, Steven Silva, Michael Pangilinan, Dk Valdez, Divalet at Frontmen.

Hinahanap naman si Albie Casino ng kanyang mga fans na hindi nakasipot dahil bugbog-sarado ang mukha nito na naganap sa may Fiamma Bar sa Makati. Naiintindihan ng club ang kalagayan ni Albie lalo’t may mga larawang lumabas na halos sirain ang kanyang gwapong mukha.

Sulit na sulit naman ang mga manonood sa show nu’ng gabing ‘yun lalung-lalo na nang umakyat na sa stage sina Jose at Wally. Total performer talaga ang dalawang komedyante at hindi sila iniwan ng audience kahit na inabot ng almost 3 a.m. ang show. Super success ito. Imagine, marami pa ang gustong makapasok ng Zirkoh kahit 1 a.m. para lang mapanood sina Wally at Jose kaya lang wala na talagang mauupuan dahil apaw na apaw na ang loob ng venue sa sobrang dami ng tao.

Paglabas ng mga tao, lahat ay nakangiti at may mga nagsasabi pang sumakit ang tiyan at nangalay ang kanilang panga sa katatawa dahil sa mga batuhan ng kanta ng dalawang komedyante. Ibang klase talaga ang dalawang ito, wala kaming masabi.

Nagpapasalamat ang buong pamunuan ng Philippine Movie Press Club, Inc. kina Jose, Wally, Toni, Rocco, Steven, Michael, DK, Divalet at Frontmen dahil hindi nila binigo ang club sa pagbibigay saya nu’ng gabing ‘yun sa mga manonood.

Maraming salamat sa mga sponsors ng ‘All for the Love of Juan’ na sina Gov. ER Ejercito, Gov. Vilma Santos, ABS-CBN Corp PR, Zaldy Aquino, Glutamax, Noel Ferrer, Hannah Beach Resorts- Pagudpud, Meister Watch.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply