Bulacan Gov. Alvarado ang galing mo!

MAHIGIT na sa dalawang  dekada  ang itinagal ko bilang isang reporter at maipagmamalaki kong  sabihin na nakaharap ko na ang halos lahat ng klase ng tao mula sa Pangulo ng bansa hanggang sa pulubi ngunit hindi ko nakita ang hinahanap kong pakikitungo sa tao, lalo na ng mga politiko.

Minsan lang akong pumuri  ng  tao, lalo na kung ito ay isang politiko, dahil alam naman natin na ang mga politiko ay puro plastik sa lahat ng bagay lalo na sa pakikitungo sa mga mahihirap nilang kababayan.

Noong nakalipas na Biyernes ay pumunta ako sa Bulacan, kasama ang isang photographer ng isang pahayagan, para ayusin ang problema nito kasama ang isa ring lady reporter.

Aminado akong wala akong alam at hindi ko alam ang pasikot-sikot sa Bulacan,  lalo na sa opisina ng Gobernador, at hindi ko rin ito kilala.

Dumating kami sa tanggapan ni Bulacan Governor Alvarado bago mag-alas 12 ng tanghali ngunit wala ito at sinamahan ang ilang opisyal dahil noong araw na iyon ay may  okasyon at isa na rito ay ang MOA signing ng PHILHEALTH at ng lalawigan ng Bulacan.

Dahil sa kagustuhan kong makabalik ng Maynila ay sinundan namin si Gov. Alvarado sa Provincial Hospital kung saan ay sinamahan nitong mag-ikot si Dr. Banzon ng Philhealth ngunit hindi rin namin ito nakausap kaya minabuti na lang naming bumalik sa kanyang opisina.

Bago mag-alas 5:00 ng hapon ay dumating si Gov. Alvarado at nagtuloy-tuloy ito sa kanyang lamesa at naupo sabay hingi ng pamunas ng kanyang pawis at pinakiusapan ang mga tao na nasa loob ng kanyang opisina na lumapit  kapag tinawag ang  pangalan.

Habang isa-isang kinakausap ang mga tao ay aliw na aliw akong pinanonood ang Gobernador ng Bulacan lalo na ang pakikitungo nito sa kanyang mga kababayan.

Halos lahat ng tao na nasa loob ng opisina ni Gov. Alvarado ay mga  nakasuot lang ng tsinelas at talagang mga kapos pero masayang nakikipag-usap pa rin ang opisyal sa mga kababayan niya.

Inobserbahan ko si Gov. Alvarado at tinanong ko ang aking sarili kung marunong bang mapagod ang taong ito dahil napag-alaman ko na alas 8:00 pa lang ng umaga ay nag-iikot na ito dahil nga mayroong okasyon sa kanilang lalawigan.

Hindi kami kilala ng gobernador kung kaya hindi masasabi na kaya ganito ang pakikitungo ng gobernador sa mga  mahihirap dahil andoon kami.

Hindi po kami kilala ni Gov. Alvarado at sa katunayan noong wala pa ito, tinanong pa kami ng staff nito kung ano ang kailangan namin.

Sa unang pagkakataon ay doon lang ako nakakita ng pulitiko na ganung klase makitungo sa mahihirap na kababayan, ‘di katulad ng ibang pulitiko lalo na rito sa Metro Manila na puro plastik.

Gov. Alvarado, saludo ako sa pakikitungo mo sa iyong mga  kababayan, ang galing.

Sana pamarisan kayo ng iba pang mga politiko at sana nga lang ay huwag kayong magbabago.

Masuwerte ang lalawigan ng Bulacan sa pagkakaroon ng matinong Gobernador.

oOo

Para sa inyong reklamo,  suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000 at 0908-7230036  o kaya ay mag-email sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply