Buntis, 2 pa sugatan sa pamamaril sa Kyusi

TATLO katao ang nasugatan kabilang isang limang-buwang buntis sa pamamaril na naganap sa 14th Avenue sa Barangay Socorro, Quezon City.

Sa report, nakatalo ng isang Raymond dela Rosa ang isang nagpakilalang pulis. Inawat naman ng barangay tanod na si Nicanor Balbuena ang dalawa.

Ayon sa barangay tanod, inakala nilang aalis na ang pulis ngunit bigla itong bumunot ng baril at pinagbabaril ang mga biktima.

Nadamay lamang ang buntis na nakilalang si Mary Michelle Vidal.

Pagkatapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspek lulan ng motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply