Bus sumalpok sa puno: Bagets dedo, 11 sugatan

PATAY ang 11-anyos habang 11 ang nasugatan makaraang sumalpok sa isang punong akasya ang Ro-Ro bus sa Camarines Sur kaninang madaling araw.

Nabatid na bandang alas-2:00  ng madaling araw nang naganap ang aksidente kung saan binabaybay ng Ro-Ro bus ang kahabaan ng bayan ng Ragay sa Barangay Banga Cavez nang bumangga ito sa naturang puno.

Namatay sa naturang aksidente si John Carlo Cabral, 11, ng Masbate habang isinugod sa Bicol Medical Center ang 11 nasugatan para mabigyan ng paunang lunas.

Sinasabing agad na tumakas ang drayber na kinilalang si Claire Baylon matapos ang insidente kung saan basag umano ang kaliwang bahagi ng bintana ng nasabing sasakyan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang drayber dahilan upang bumangga sa punong kahoy ang naturang bus na galing sa Maynila lulan ang mga pasaherong papauwi sana sa lalawigan ng Masbate.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply