Bus swak sa kanal: 2 patay, 10 sugatan

PATAY ang dalawa katao habang tinatayang nasa 10 pa ang nasugatan nang mahulog sa kanal ang isang RORO bus sa Star Tollway sa Barangay Ayala, San Jose, Batangas pasado alas-8:00 ngayong umaga.

Sa inisyal na ulat, nakatulog ang drayber ng bus (UVT 990) dahilan kaya nahulog ito sa kanal may lalim na kalahating metro.

Ang RORO bus ay galing sa Batangas at patungong Mindoro nang maganap ang aksidente.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga nasugatan habang inaalam na ang pagkakakilanlan ng mga namatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply