Bus vs bus sa CamSur: 3 todas, 15 sugatan

TATLO katao ang patay habang 15 iba pa ang nasugatan nang magbanggaan ang dalawang pampasaherong bus sa Barangay Colacling, Lupi, Camarines Sur, kagabi (Mayo 16).

Ayon sa Lupi-PNP, nanggaling sa Maynila ang Ultra bus habang patungo naman sa direksyon ng Naga City ang Silverstar bus nang maganap ang banggaan.

Patay na nang idating ang tatlong pasahero ng Silverstar bus sa Sipocot District Hospital.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas ang mga nasugatan kabilang ang dalawang drayber sa Bicol Medical Center.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply