Bus vs dyip: 5 sugatan sa ‘killer highway’

LIMANG pasahero ang nasugatan makaraang banggain ng bus ang isang pampasaherong dyip sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ang mga nasugatan, na pawang mga sakay ng dyip, ay agad na dinala sa East Avenue Memorial Medical Center.

Base sa ulat, patawid na sana ang dyip na minamaneho ni Luigi Palicbo sa Commonwealth mula Tandang Sora nang banggain ng Luzon Bus (TXT 588) na may biyaheng Fairview Baclaran, na minamaneho naman ni Joseph Buenaventura.

Kasalukuyang iniimbestigahan ang aksidente habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa drayber ng bus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply