Bus vs SUV sa Quezon: 4 patay, 7 sugatan

LUCENA CITY– Patay ang apat katao habang pito ang sugatan makaraang magsalpukan ang isang Sports Utility Vehicle (SUV) at pampasaherong bus sa bayan ng Tagkawayan, Quezon kagabi (Mayo 30).

Dead on the spot ang lahat ng sakay ng SUV na Ford Everest (ZAH-229) na kinilalang sina Arnel Repol y Mallorca, 37 anyos, driver, Arriane Repol y Mallorca, 21 at Harold Repol, 15, pawang residente ng 824, Lot 20 Hongkong Village, Banay Banay, Cabuyao, Laguna.

Hindi pa nakikilala ng mga awtoridad ang isa pang nasawi na isang babae.

Ayon kay Quezon Police Director Senior Superintendent Valeriano de Leon, dakong alas 10:15 ng gabi, tinatahak ng SUV ang kahabaan ng Quirino Highway sakop ng Barangay San Francisco, Tagkawayan patungo sa direksyon ng Maynila at pagdating sa isang kurbadang bahagi ay nag-overtake ito sa isa pang sasakyan.

Nagbunsod ito upang makasalpukan nito ang kasalubong na Roro Bus (TXV-921) na patungo naman sa direksyon ng Bicol Region.

Dahil mabilis ang takbo, nagtamo ng malaking pinsala ang SUV dahilan ng agarang pagkamatay ng apat na sakay nito.

Samantala, nasugatan din sa banggaan ang pitong pasahero ng bus na kinilalang sina Lucita Favor y Rojas, 59; Tristan Jay Salvacion, 21; Ana Saldevar y Peñales, 42;  Kathleen Cate Agarao y Saavedra, 22; Kim Carl Roxas y Amante, 5 taong gulang; Rose Marie Amante y Rojas, 45 at Violenia Suroten y Rojas, 55-anyos. Dinala ang mga ito sa Tagkawayan District Hospital.

Hawak na ngayon ng Tagkawayan police ang driver ng Roro Bus na si Rainer Mabuti y Barruga, 54 anyos, residente ng Barangay Sto. Niño, Palanas, Masbate at nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting to Multiple Homicide and Damage to Properties.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply