Businessman patay sa pamamaril sa Kyusi

PATAY ang isang negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Novaliches, Quezon City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Gregorio Badilla, 45, businessman, ng Doña Rosario St., Doña Rosario Subdivision, Novaliches.

Si Badilla ay idineklarang dead on arrival sa Novaliches General Hospital dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-11:00 ng gabi kagabi sa harap ng MJ Blancia internet coffee sa Doña Rosario St., at Gen. Luis, Novaliches.

Sakay ng kanyang RUSI na motorsiklo ang biktima at pauwi na sa kanilang bahay nang biglang humarang sa kanyang harapan ang hindi nakilalang salarin at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay naglakad lamang ang suspek ng parang walang nangyari palayo sa lugar.

Inaalam na ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply