Bustamante wagi sa 2012 West Coast Challenge

KARANGALAN na naman para sa Pilipinas ang naiuwi ni Francisco “Django” Bustamante matapos na magkampeon sa One Pocket at 10-Ball categories ng 2012 West Coast Challenge na ginanap sa Mountain View, California.

Nagpapakita lamang na ito na hindi pa rin kumukupas ang husay sa larangan ng bilyar si Bustamante na hindi man lamang nakaranas ng talo sa dalawang events at magkampeon sa One Pocket kontra kay John Schmidt sa iskor na 4-2, habang ‘di pinaporma si Raj Hundal sa finals ng 10-ball sa iskor na 8-4.

Naibulsa ni Bustamante ang mahigit $8,000 premyo sa naturang torneo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply