Buwan ng Mayo, buwan ng BMW

KUNG may pagkakapareho ang mga Pilipino at ang BMW fans sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ito ay ang kaugaliang “mamiyesta” tuwing buwan ng Mayo. Ang buwan ng Mayo ay tinaguriang Bimmerfest Month ng mga BMW fans sa buong mundo. Ang Bimmerfest ay ang opisyal na pagtitipon ng mga BMW fans sa isang partikular na lugar upang ipagdiwang ang BMW lifestyle.

Rain or shine, hindi napigialn ang BMW Car Club of the Philippines at ang BMW upang ipagdiwang ang ika-9 na annual Philippine Bimmerfest noong May 5 sa Bonifacio Global City. Pamula sa classic na E36 hanggang sa mas bagong E60, 39 na BMW owners ang lumahok para sa mga titulong ipinamigay ng araw na iyon. Para sa Best Interior, ang E34 525i ni Jowin Claudio ang nag-uwi ng papremyo; sa Best Exterior naman ay ang E30 M3 series ni Tonet Itchon.

Ang classic E36 352ci ni Mark Robles naman ang itinanghal na Best Heritage Model, at ang Best Modern Model title naman ay napunta sa E60 525i ni Sanny Sarcia. Ang Z4 ni Ogie Abastillas ay nanalo bilang Best Special Model, at Best Guest Display naman ang kay Dondi Custodio na naka Z4M. Nagkaroon din ng People’s Choice Award kung saan ang E82 1M ni Khris Yang ang pinili ng mga bisita.

Nag-set up din booth ang ilan sa mga sponsor ng event gaya ng ARC Automotive, Kelleners Sports Wheel-Wheel Gallery, at Brembo; ang mga sponsor na ito ay mga aftermarket companies na dati na ring nakapag tie-up sa BMW para sa kanilang mga produkto.

Siyempre, present ang Asian Carmakers Corporation (ACC) upang idisplay ang bagong BMW M5. Ang BMW Car Club of the Philippines ang natatanging BMW car club sa Pilipinas na kinikilala ng International Council of BMW Clubs at ng BMW AG.

Samantala, ilang araw matapos ang 2012 Bimmerfest, umarangkadang muli ang BMW world sa paglunsad ng 2012 edition ng BMW 3 series. Kung may isang sasakyan ang BMW na talagang matatawag nilang “ The Original”, iyon ay ang BMW 3 series model. Ayon sa presidente ng Asian Carmakers Corporation (official distributor ng BMW sa Pilipinas) na si Maricar Parco, ang BMW 3 series ay ang sasakyan na kumakatawan sa tunay na personalidad ng brand na BMW.

Sa launching party nito noong nakaraang May 10, isang trip down memory lane ang natunghayan ng mga dumalo sa pamamagitan ng audio-visual presentation ng ACC sa kasaysayan ng iconic BMW E series.

Pamula noong 1975 nang unang ilabas ng BMW ang unang modelo ng E-series, nananatili itong best-seller ng German brand at maging sa luxury segment ng industriya. Katunayan, pamula 1975, umabot sa 12 million units na ng E-series models ang nabenta ng BMW.

Ang BMW 328i ay ang top of the line variant ng sasakyan. Ang 2.0 L, 4-cylinder 328i sedan ay kayang tumakbo pamula 0 hanggang 100km sa loob lamang ng 5.9 seconds, at bawat 15.62km na itinatakbo nito, 1 litro ng krudo ang nakokonsumo ng 328i. Samantala, ang 320d variant naman ay kayang tumakbo ng  0-100 km sa loob ng 7.6 seconds at kumokonsumo ng isang litro ng krudo sa bawat 22.72 km. Ang 328i at 320d ay parehong may Start-Stop system at  EfficientDynamics technology para sa mas matipid sa gasolinang pagmamaneho.

Depende sa panlasa ng mamimili, ang 328i at 320d ay mayroong Sport,Luxury o Modern line na maaaring pagpilian ng kustomer. Kung susumahin, ang malaking pagkakaiba lang ng tatlo ay ang kulay at accents ng bawat model ngunit lahat ng teknikal at mekanikal na aspeto ng mga sasakyan ay parepareho.

Sports, Luxury,o Modern man, lahat ng modelo ng BMW 3 series ay kinargahan ng 8-speed automatic transmission.

Ang 2012 BMW 3 series ay ang unang F-designated BMW 3 model, pamula sa E-series na inilabas noong dekada ’90.

Ang BMW 328i ay na nagkakahalaga ng P4,290 milyong-piso habang ang BMW 320d ay nagkakahalaga ng P3,490 milyong-piso.

***

2012 SK Grand Prix, malapit na!

NALALAPIT na ang isa sa mga inaabangang karera ng mga riders dito sa Maynila— ang SK Grand Prix! Ang SK Grand Prix ay ang grand track day ng SK Invitational racing na siyang nagsisilbing platform ng mga hindi pa kilalang underbone at scooter racers sa Manila.

Sa darating na May 27, magtatagisan ng galing ang ilang mga bihasa na sa underbone at scooter racing (partikular na sa SK race) gaya nila Paul Mark Doblada, Dustin Esguerra, at Tracy Soyangco at iba pang underbone at scooter racers sa Carmona Race Track sa Cavite. Gaya ng nakagawian, ang unang bahagi ng karera ay nakalaan para sa qualifying races at ang ikalawa naman ay ang Championship race.

Para sa scooters, ang mga kategoryang paglalabanan ay: 130cc Modified, 160cc Modified, 160cc Modified, at 180cc Modified, samantalang ang sa Underbone naman ay 110c mixed stock, 115cc mixed stock,125cc mixed stock, 130cc Open, at 150cc. Ang entry feeay nagkakahalaga ng P3,000, kasama na ang paggamit ng transponder.

Ang SK Grand Prix ay pinangungunahan ng Pinoy Bike Brothers Inc. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag o mag-text sa mga numerong 09172747807, 09495982138 at 09239603064.

***

Car clubs pasiklaban sa Power Wheels Festival

MAGPAPASIKLABAN ang mga car clubs ng Mini, Ford, Hyundai, Kia, Nissan, Toyota, Land Rover, Honda at Mitsubishi sa darating na May 26 sa gaganaping Power Wheels Festival sa Bonifacio Global City sa The Fort. Sa pangunguna ng Power Wheels Magazine, dito magkakasukatan kung sino nga ba talaga ang Best Car Club sa bansa.

Mamimigay ang Power Wheels Magazine at ang kanilang mga isponsor ng papremyo sa hihiranging Best Car Club, o sa Best Dressed Car o kaya naman sa sasakyang hihiranging Best Paint Job at iba pa.

May mga bandang tutugtog at mga naggagandahang modelong iikot sa venue, pamula alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng madaling araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply