CAFGU inutas ng kasamahan dahil sa text

DAHIL lamang sa text message ay napatay ng isang kasapi ng CAFGU ang kanyang kasamahan sa lalawigan ng Leyte kahapon, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa insiyal na ulat na nakarating sa Camp Crame naganap ang pamamaril sa loob mismo ng military detachment ng mga Cafgu sa Barangay Consuelo, Jaro ng nabangit na lalawigan.

Sa report na inihanda ni PO3 Ronald Pedrique, imbestigador ng Jaro PNP at siyang may hawak ng kaso, dahil sa isang text message ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktimang si Mateo Rocabo at ng sa suspek na si Joselito Garao.

Ayon kay Pedrique, nangyari ang nasabing krimen sa loob mismo ng kanilang detachment at base sa salaysay ng suspek, tinangka umano siyang saksakin ng biktima dahilan upang unahan niya itong barilin.

Namatay si Rocabo dahil sa tinamong tama ng punglo sa kaliwang dibdib mula isang garand rifle.

Samantala, agad namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek upang harapin ang anumang kaso na isasampa laban sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply