Car dealer, 2 pa natagpuang patay sa Pangasinan

TATLONG naaaganas na bangkay kabilang ang isang car dealer ang natagpuan sa loob ng kanilang pick-up truck sa Pangasinan kagabi (May 3).

Ang mga biktima na nakilalang sina Rodolfo Cayetato, car dealer;  Alberto Reyes at anak nitong si Joel ay natagpuang may mga tama ng bala ng baril sa ulo.

Aminado naman si Police Chief Inspector Arnold Solomon na wala pa silang ideya kung sino ang pumatay sa mga biktima pero may hinala na mga miyembro ng carjacking syndicate ang nasa likod ng krimen.

Sa ulat sa Camp Crame, nadiskubre ang krimen dakong alas-6:30 kagabi sa Barangay San Vicente sa Asingan, ng lalawigan.

Ayon sa mga residente sa lugar, kahapon pa ng umaga nang mapansin nilang nakaparada ang sasakyan na isang kulay maroon na Nissan Frontier (JWL-333) at inakalang nagpapahinga lamang ang mga nakasakay dito.

Pero nang kumagat na ang dilim at hindi pa rin umaalis ang sasakyan, kinutuban na ang mga residente kaya pinuntahan na nila ito para silipin.

“Nakita na raw ng mga residente dito ng umaga, pero nagtaka na kami kaya tiningnan namin ngayong gabi,” pahayag ni Barangay Chairman Julio Dayag ng San Vicente West sa Asingan.

Nabatid ng pulisya na taga-San Juan si Cayetano at isang negosyanteng nagbebenta ng mga sasakyan at posibleng pinagbabaril ang mga biktima habang nag-aalok ng kanilang sasakyan sa mga suspek na nagpanggap na mga prospective buyers.

Ibinasura na ng pulisya ang motibong pagnanakaw dahil hindi kinuha ang mga personal na gamit ng mga biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply