Caretaker pinagbabaril patay

TODAS ang isang caretaker matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa loob ng binabantayan compound sa Navotas, Sabado ng gabi, Mayo 26.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Alfredo Acuña, 31 ng Merville subd., Tanza ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-10:45 ng gabi, nakarinig ang mga residente ng sunod-sunod na putok mula sa binabantayan compound ng biktima sa Tambak st., Tanza.

Isang hindi pa kilalang lalaki ang nakitang lumabas ng compound habang itinawag naman sa mga barangay tanod ang pangyayari.

Nang pasukin ang compound ay nakitang wala ng buhay ang biktima na naging dahilan upang itawag sa mga pulis na kasalukuyan nang nag-iimbestiga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply