Carnapper timbog sa Pasay City

ARESTADO sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad ang isang hinihinalang carnapper sa kahabaan ng Edsa corner Apelo Cruz, Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspect na si Miguel Villacorsa, Alias “Ogie” 31-anyos, may-asawa, barker, at naninirahan sa # 512 Edang Street, Pasay City.

Ayon sa imbestigador na si SPO1 Cris Gabutin ng Pasay City Police, narekober mula sa suspek ang isang Suzuki Motor, na may plakang 1848-CH at isa namang Scooter SYM, na may special plate number na “Punong Barangay”

Aniya, sinubukan rin nilang buksan ang compartment ng Scooter at sumambulat sa kanila ang itinatago ng suspek na isang improvised shotgun 12 Gauge (Sumpak) at apat na ammunition.

Nakatakda namang sampahan ng kaso ang suspek ng paglabag sa PD-1812 o Anti Fencing Law  o mas kilala bilang Possession of Stolen item/carnapped motorcycles, R.A 8294 o illegal possession of improvised 12 gauge shotgun o sumpak at paglabag naman sa article 148 ng RPC o Resisting Arrest.

Samantala, hinihintay naman ang may-ari ng mga narekober na motorsiklo para sa pormal na paghahain ng kaso laban sa naturang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply