Carnapping case bumaba – DILG

MALAKI ang ibinaba ng kasong carnapping sa loob ng apat na buwan.

Ito ang kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo sabay puri sa PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Kung pagbabasehan aniya ang report na isinumite ni PNP-HPG Director, P/Chief Supt. Leonardo Espina, ani Robredo na mayroon lamang 39 insidente ng carnapping ang naitala nito lamang buwan ng Abrl, ngayong taon.

Magugunitang umabot ng halos 102 mga kaso ang naitala nitong Enero at Pebrero at bumaba ng hanggang 84 at 39 na kaso na lamang nitong Abril.

Dahil sa pagbaba ng mga nasabing insidente, malaki ang naiambag aniya rito ng patuloy na anti-carnapping operations ng PNP-HPG at iba pang police units sa buong bansa.

Sa 39 na carnapping case noong nakaraang buwan, 25 sa mga ito ay motorsiklo at 14 ang mga sasakyang may apat ang gulong.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply