Carpio bilang acting chief justice

INIUPO ngayon ng SC en banc bilang pansamantalang Punong Mahistrado si Senior Associate Justice Antonio Carpio kapalit ng pinatalsik na si Renato Corona.

Ito ang kinumpirma ni SC public information office chief Gleo Guerra.

Matatandaan na unang hiniling ni Sen. Chiz Escudero kay Pangulong Benigno Aquino III na huwag si Carpio ang ipalit kay Corona upang maiwasan na ang bangayan at paksyon sa Korte Suprema.

Naniniwala ang senador na ang pagpili ng Pangulo ng isang punong mahistrado na hindi identified sa kanya ay upang hindi mabigyang kulay ang pagpapatalsik kay Corona.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply