Ombudsman ‘di nasindak sa granada

MATAPANG na humarap sa mga mamamahayag si Ombudsman Conchita Carpio Morales matapos na bulagain ito ng granada sa kanyang bahay sa Muntilupa City isang araw pagkatapos ng conviction ng Senado kay Chief Justice Renato Corona.

“Kung oras, oras mo na.” Ito ang matapang na ipinahayag ni Morales kasabay ng pagsasabi na sanay na siya at ang kanyang pamilya sa mga pagbabanta sa kanilang buhay at hindi na siya nangangamba para sa kanilang seguridad dahil parte ito ng kanyang trabaho.

Samantala, kaugnay ng sulat na kasama ng natagpuang granada, inamin ni Morales na CCM ang kanyang initials subalit hindi pa niya maintindihan ang mensahe ng sulat kung saan nakasaad ang: “Pang densa CCM malakit.”

Ayaw naman niyang isipin o iugnay ang pangyayari sa katatapos na impeachment trial ni CJ Corona.

Samantala, tinanggihan naman ni Morales ang security detail na itinalaga ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.

Base kay Morales aantayin na lamang nito ang resulta ng imbestigasyon ng Philippine National Police Southern Command sa nasabing insidente.

Nabatid na dahil na rin sa pangyayari, hinigpitan ang seguridad sa loob at sa paligid ng Tanggapan ng Ombudsman kung saan masusing iniinspeksyon ang mga bagahe ng mga pumapasok dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply