Carpio papalit muna sa puwesto ni Corona habang wala pang CJ

HABANG hindi pa nakapipili ang Pangulong Benigno Aquino III, na
hahalili kay Chief Justice Renato Corona, si Senior Associate Justice
Antonio Carpio ang aakto bilang acting chief justice sa Korte Suprema.

Mayroong tatlong buwan si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III upang
magtalaga ng bagong punong mahistrado matapos ma-convict si Chief
Justice Renato Corona ng impeachment court.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, awtomatikong
magiging bakante ang puwesto ng chief justice at sa ilalim ng batas ay
mayroong 90 araw ang Pangulo upang pumili ng papalit kay Corona.

Sa ilalim ng SC rules, ang most senior justice ang hahalili sa punong
mahistrado kapag ito ay nasa on-leave o nasibak sa puwesto.

Sa katayuan ni Corona, sinibak ito sa puwesto ng Senate impeachment court.

Samantala, sina Sen. Franklin Drilon, Bureau of Internal Revenue (BIR)
Commissioner Kim Henares at Solicitor General Francis Jardeleza ang
pangalang pinagpipilian ni Presidente Aquino na maging susunod na
chief justice

Tiniyak naman ngayon ng Malacañang na pipili ang Pangulong Noynoy
Aquino ng karapat-dapat na Supreme Court (SC) chief justice kapalit ng
napatalsik na si Chief Justice Renato Corona.

Gayunpaman, hindi umano kailangang  tapusin ang 90 araw bago magtalaga
ng bagong chief justice si Pangulong Aquino basta matanggap na ang
shortlist mula sa Judicial and Bar Council (JBC).

Ayon kay Valte, kailangan pa ring dumaan sa JBC ang mga posibleng
nominado at pipiliin ng Pangulo ang pinakakuwalipikado.

Mamayang alas 11:30 ng umaga May 30 inaasahang magbibigay ng kanyang
statement ang Pangulong Aquino matapos ang guilty verdict laban kay
Corona.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply