CBCP dismayado sa pagkakapaslang kay Mendiola

DISMAYADO ang isang Catholic prelate hinggil sa pagkakapaslang sa star witness na si Alfred Mendiola na bunsod aniya ng kabiguan ng pamahalaan na proteksiyunan ito.

Matatandaang si Mendiola, testigo sa pagpatay sa car dealer na si Venson Evangelista ay pinaslang sa Cavite, kahit pa nasa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ).

Naniniwala naman si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na katiwalian sa hanay ng awtoridad ang isa sa mga posibleng dahilan sa pagkakapaslang sa testigo.

Ayon kay Cruz, posibleng may malalaking tao na malalagay sa alanganin kaya ‘pinatahimik’ nila si Mendoza na nagtuturo sa magkapatid na Raymond at Roger Dominguez na sinasabing leader ng isang carnapping syndicate at umano’y utak sa pamamaslang kay Evangelista.

Nangangamba rin si Cruz na magkakaroon ng negatibong epekto sa mamamayan ang pagkaka-salvage kay Mendiola at marami na sa mga ito, lalo na ang mga testigo sa mga krimen, ang magdadalawang-isip na makipag-ugnayan pa sa awtoridad upang ihayag ang kanilang mga nalalaman.

Ayon kay Cruz, tiyak na matatakot ang sinumang testigo na sumailalim pa sa WPP dahil hindi naman nito napapangalagaan ang kanilang mga testigo.

Dismayado rin si Cruz sa kakayahan ng WPP ng DOJ na una nang umaming ilang beses na silang nalusutan o natakasan ni Mendoza.

Binigyang-diin pa ng Arsobispo na kaya hindi nasusugpo ang krimen sa bansa dahil mismong ang nagpapatupad ng batas ay pabaya sa tungkulin kung hindi man sangkot sa masamang gawain.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply