CBCP hinamon ang media na maghayag ng katotohanan, kapayapaan

HINAMON ng  Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mamamahayag  na magpahayag sa publiko ng katotohanan, kapayapaan at kahalagahan ng buhay .

Sinabi ni CBCP President at Cebu Archbishop Jose Palma  ang hamon sa media kasabay nang paggunita ng Simbahang Katolika sa World Communications Day sa Linggo, Mayo 20.

Ayon kay Bishop Palma, dapat ring ihayag ng mga mamamahayag ang turo ng Panginoon hinggil sa pagmamahal, pagpapatawad at kabutihan para sa lahat.

“The media should proclaim the wonderful teachings about God, about love, about peace, about forgiveness, about the meaning of life, about truth, about common good.  We appreciate the many ways the people,the media proclaiming the good news,” ayon kay Palma, sa panayam ng church-run  Radio Veritas.

Tiniyak rin ni Palma na kinikilala ng simbahan kung gaano kahalaga ang social communications ministry ng Simbahan at secular media sa pagpapalaganap ng common good at mabuting balita sa mga mamamayan.

Pinasalamatan rin ni Palma ang media sa kanilang mahalagang papel sa lipunan.

Ani Palma, “hindi madali ang trabaho ng media na sa hangaring maihayag ang katotohanan ay marami sa kanila ang nasasaktan at nagbubuwis ng buhay.”

Sa kabila naman nito, hinimok ni Palma ang mga mamamahayag na huwag matakot at gawin ang nararapat sa ngalan ng Panginoon.

“Ganoon pa man, we appreciate the work ng ating mga kapatid in the social communications and of course we encourage them in the name of the Lord na gawin yung nararapat,” ani Palma.

Umaasa rin ang Arsobispo na ang pamamahayag ay laging para sa kabutihan ng komunidad katulad ng “self-communication” ni Hesukristo o salita ng Panginoon.

Samantala, pinayuhan naman ni Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez ang mga mamamahayag sa bansa na pawang katotohanan lamang  ang mga impormasyon at balitang ihahatid sa taumbayan.

Hindi, aniya,  dapat na magpagamit ang mga ito sa mga pulitiko at masasamang grupo para sa pansariling interes ng mga ito.

Binigyang-diin ni Gutierrez na dapat laging kasama ng mga mamamahayag sa pagbabalita ang ebidensya at mga dokumento sa pagsisiwalat ng katiwalian at hindi pawang mga alegasyon lamang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply