CBCP nanawagan ng rekonsilyasyon

NGAYONG tapos na ang impeachment trial at nahatulan na si Chief Justice Renato Corona, nananawagan ang mga Obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa lahat na magkaroon ng rekonsilyasyon, pagkakaisa, pagtutulungan, transparency, accountability at pagsusulong ng common good.

Ayon kay CBCP President at Cebu Archbishop Jose Palma, ang impeachment trial ay dahilan nang pagkakawatak-watak ng taumbayan kaya’t ngayong tapos na ito ay panahon na, aniya, upang muling magkasundo, magkaisa, at ibalik ang pagkakaibigan para makamtan ng bawat isa ang kabutihan at pag-unlad.

Ang dapat, aniya, ay isantabi ang personal na interes at isaalang-alang ang kapakanan ng nakararami.

“The impeachment trial is over, kung may pamamaraan tayo na try to become friends again.  Higit sa lahat think of not so much of your personal interest but for the good of the people. Yung effect ng trial is we wanted to tell the people we are here for you. Sana nga, it’s about time that we can think of the things that unite us. Think of the things that make us one. And help each other, put first the services for the people.  And believe that there is something good for the Filipino people and in the near future,” ayon kay Palma, sa church-run Radio Veritas.

Hinimok rin ni Palma ang lahat na tanggapin ang naging hatol ng mga senator-judges.

Gayunman, ipinaliwanag ni Palma na ang guilty verdict ng impeachment court kay Corona ay hindi katapusan bagkus maging instrumento,  aral, inspirasyon, at huwaran ng bawat Filipino partikular na ang mga opisyal ng pamahalaan na sundin ang batas, maging transparent, accountable at magkaroon ng digdinad.

Ikinatuwa din ng Arsobispo na ang naging judgment ng mga Senator-judges ay ginawa “in the spirit of prayer”.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply