CBCP: Pagla-lobby ng INC pabor kay CJ Corona walang masama sa

IPINAHAYAG ngayon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na walang masama kung nagla-lobby ang Iglesia ni Cristo (INC) para sa acquittal ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Caloocan City Archbishop Deogracias Yniguez ang isang relihiyon ay kailangang nakatutok o involve sa mga nangyayari sa lipunan.

Sinabi pa ni Yniguez, pinuno ng Public Affairs Division ng CBCP na maraming usapin ang ini-lobby rin ng simbahang Katoliko na bahagi naman ng demokrasya.

Ayon naman sa Malacañang, ang pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) ang dapat sumagot sa report na nagla-lobby ang INC para sa acquittal ni Corona.

Ipinahayag ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na hindi naman sa palasyo nanggaling ang nasabing balita kaya hindi sila dapat magsalita hinggil dito.

Inihayag ni Valte na dapat ay hintayin na lamang ang tugon ng pamunuan ng INC sa naturang usapin.

Samantala todo tanggi ang depensa sa kumalat na report hinggil sa pagla-lobby ng INC para sa acquittal ni  Corona.

Sinabi ni Atty. Rico Paolo Quicho, isa sa mga abogado ni Corona, na wala silang alam na mga pagkilos ng INC para mapawalang sala ang Punong Mahistrado.

Ang lead counsel ng Depensa na si dating Associate Justice Serafin Cuevas ay kilalang miyembro ng INC.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply