CCTV footage susi sa EARIST EVP killing

Close Circuit TV footage ang tanging makalulutas sa kasong pananambang at pagpaslang sa executive vice president ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) sa Sta Mesa, Manila, nitong nakaraang Biyernes ng gabi.

Sa ulat ni P/Sr. Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng MPD-Crime Against Persons Investigation Unit, malaki ang maitutulong ng kuha ng CCTV para makilala ang mga suspek sa pagpaslang kay EARIST Vice President Dr. Noel Cabrera.

Ang tinutukoy na video ay ang kuha ng CCTV ng Barangay 634, Pureza Street sa Sta. Mesa, Maynila na bagamat hindi gaanong malinaw ay makatutulong sa imbestigasyon ng pulisya.

Matatandaan na alas-9:00 ng gabi noong Biyernes nakaraang linggo nang pagbabarilin ng riding in tandem si Cabrera habang naglalakad sa Pureza St., pagkagaling sa nasabing paaralan.

Si Cabrera ay dumaan sa likurang gate ng EARIST sa may Valencia St., at papunta sa Ramon Magsaysay Blvd., kung saan sasakay sa kanyang kotseng Toyota Avanza kasama ang isang kasamahan sa trabaho nang dikitan ng mga suspek at pinagbabaril.

Naisugod pa sa De Ocampo Memorial Hospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan.

Si Cabrera ay ikalawa na sa napapaslang na  opisyal ng unibersidad na ang pinakahuli ay ang pananambang kay Polytechnic University of the Philippines (PUP) Vice President for Operations  Augustus Cezar noong Oktubre 2011.

Nagpalabas na rin ng cartographbic sketch ang MPD at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply