CCTV sa lugar ni Ombudsman Morales susuriin

SUSURIIN ng pamunuan ng Southern Police District (SPD) ang CCTV na kalagay sa subdivision upang matunton kung sino ang naglagay ng granada malapit sa bahay ni Ombudman Conchita Carpio-Morales sa Camella 2-A, Barangay Putatan, Muntinlupa.

Kasabay nito pinadagdagan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang security personnel na nakatalaga kay Ombudsman Morales.

Ipinag-utos ni DILG Secretary Jesse Robredo na higpitan ang seguridad sa buong kapaligiran ng bahay ng Ombudsman.

Pasado alas-3:00 kahapon ng hapon (Mayo 30) nang madiskubre ang nasabing granada na nakalagay sa loob ng isang canister, kalakip ang kapirasong papel na may mensaheng “nagmamalasakit kay CJ.”

Ayon kay SPD Director Chief Supt. Benito Estipona, posibleng pananakot ang isa sa nakikitang motibo rito ng pulisya.

Nabatid na wala sa data base ng PNP ang granadang natagpuan sa naturang lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply