CCTVs, Xrays sa Customs papalitan na – Biazon

PAPALITAN na ang mga lumang closed circuit television (CCTV) na ginagamit ng Bureau of Customs (BOC) ng halos dalawang dekada.

Ito ang ipinahayag ni BOC commissioner Ruffy Biazon sa kanyang biglaang pagbisita sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kanina.

“Our CCTV at the airports is obviously outdated and obsolete. Our agency have already been requested the Department of Budget and Management (DBM) for its replacement,” anang Biazon.

Aniya, hinihintay na lamang nito ang positibong tugon ng DBM sa kanilang kahilingan.

Ayon pa kay Biazon, ang pagpunta niya sa NAIA ay pagtitiyak lamang na “properly implemented” ang pagbibigay ng “high importance” sa mga dumarating na Asian Development Bank (ADB) officials sa bansa.

Kasabay nito, binanggit din ng BOC chief ang paglalagay ng drug-sniffing dogs sa lahat ng airport sa bansa upang masiguro na walang anumang illegal drug ang makakalabas sa mga paliparan lalong-lalo na sa NAIA.

Ang CCTV at x-ray equipment na ginagamit ng Customs personnel ng halos 20 taon ay kailangan nang palitan upang makasabay sa ibang bansa at maging isang world class.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply