Cebu Pacific kakasuhan nina Raymart at Claudine

SASAMPAHAN din ng reklamo ng showbiz couple na sina Claudine Barreto at Raymart Santiago ang Cebu Pacific dahil sa naganap na rumble kahapon (Mayo 6) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, sa pagitan ng aktor at kolumnistang si Ramon Tulfo.

Ayon sa showbiz couple walang mangyayaring gulo kung hindi dahil sa hassle na idinulot ng Cebu Pacific na siyang anila ay pinagmulan ng gulo.

Ayon sa aktor, hindi nila nakuha ang kanilang bagahe dahil sa ibang eroplano isinakay ang kanilang gamit at hindi naman sila naabisuhan agad ng airlines dahilan para kausapin ng misis ang airlines staff.

Sa puntong ito nakita umano ng aktor na kinukuhanan ni Tulfo ng video ang kanyang misis habang nasa kasagsagan ng pakikipag-usap sa mga staff ng nasabing airlines.

Kinuwestiyon niya ang brodkaster, pero suntok at sipa ang inabot niya dito na nauwi sa pagganti ang sumundo na eksena.

Sa kabila nito, desidido ang mag-asawa na sampahan ng reklamo si Tulfo dahil sa pananakit sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply