Celtics rerebanse sa Heat

LUMUHOD ang Boston Celtics sa Miami Heat nakaraang taon sa kanilang Eastern Conference Finals.

Muling maghaharap ang dalawa matapos manaig ang Celtics sa Philadelphia, 85-75 sa Game 7 ng 2011-12 National Basketball Association, (NBA) EC semifinals kaninang umaga.

”Last year is in the past,” sabi ni Rajon Rondo. ”This year we’re a totally different team. We feel we can beat Miami. We got to this point; there’s no doubt in my mind we can. We’ve got to go down there and take care of business.”

Humarabas si Rondo ng triple-double (18 puntos, tig 10 rebounds at assists) upang tulungan ang Celtics na makahirit ng rebanse sa Heat.

Pagkatapos ng panalo ay kitang-kita sa Celtics ang kanilang determinasyon at excitement na makaharap ang tropa ni NBA MVP LeBron James sa Martes, (Lunes sa America).

”Let’s do it,” sabi ni Celtic center Kevin Garnett bago nila iwanan ang basketball court pagkatapos ng kanilang panalo.

Tinapatan ni Garnett ang puntos ni Rondo habang 16 points ang inambag ni Brandon Bass.

Nakahanda naman ang Heat na ipagtanggol ang kanilang titulo kung saan ay sinibak nila ang Indiana Pacers sa Game 6.

”We’ll be well-prepared,” wika ni James. ”Our coaching staff will put us in position to win ballgames.”

Tinalo ng Heat ang Celtics sa five games nakaraang taon, tinalo naman ng Boston ang Heat sa five games din noong 2010 opnening playoffs.

Nakaharap rin ni James ang Boston noong 2010 semifinals kung saan ay huling laro nito sa Cleveland Cavaliers.

Nasa 48 beses ng nakalaban ni James Celtics sa huling 44 ay si Doc Rivers ang coach ng Boston.

”I mean, I’ve played Boston enough with Doc Rivers at the helm and those guys, they don’t change,” pahayag ni James. ”They shouldn’t change.

They’ve been successful. They won’t change.”

Ang Game 1 ng Heat at Celtics ay gaganapin sa Miami kung saan ay hindi pa rin makakalaro si Heat forward Chris Bosh dahil sa kanyang abdominal injury.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply