CGMA, ilang AFP officials kinasuhan ng ‘Morong 43’

PATONG-PATONG na kaso ang isinampa ng tinaguriang Moro 43 sa Department of Justice (DOJ) laban kina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at ilang opisyal ng Armed forces of teh Philippines at pulisya.

Nabatid na naghain ng reklamo ng paglabag sa Anti-Torture Act, robbery at paglabag sa Rights of Arrested Person ang grupo kina Arroyo, Lt. Gen. Jorge Segovia at Col. Cristobal Zaragoza, Brig. Gen. Aurelio Baladad at iba pang tauhan ng militar at pulisya.

Ayon kay Atty. Edre Olalia ng National Union of People’s Lawyer, kinasuhan nila ang dating Pangulo dahil sa “command responsibility” nito sa pag-aresto sa mga health worker noong Pebrero 2010.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply