‘Chicken holiday’ nakasalalay sa gobyerno

DEPENDE sa magiging aksyon ng pamahalaan kung itutuloy o hindi ng mga magmamanok ang kanilang ‘Chicken holiday’ kaugnay ng talamak na smuggling sa bansa.

Ayon kay United Broiler Raisers Association (UBRA) President Gregorio San Diego, ang mabilis na pagkilos ng pamahalaan kontra smuggled na mga karne ay posibleng iatras nila ang ilalargang Chicken holiday.

Samantala, sakaling mabigo ang pamahalaan na matugunan ang kanilang reklamo ay tiyak na makikiisa ang mga poultry raisers sa ilulunsad na holiday ng mga magbababoy.

Kaugnay nito, tikom naman ang bibig ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon sa mga panawagang magbitiw na siya sa pwesto kaugnay sa reklamo ng mga ‘hog at poultry raisers’ sa kawalang niya ng aksyon sa mga naipupuslit na smuggled na karne sa bansa.

Sinabi ni Biazon na wala pa naman siyang natatanggap na direktang panawagan para siya ay magbitiw sa pwesto.

Ayon pa kay Biazon, kumikilos na ang ahensya para masolusyunan ang smuggling ng mga karneng baboy at manok sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply