Child labor free sa Pinas tiniyak ng DOLE

PINAGTUTUUNAN ng pansin  ngayon ng Department of Labor and Employmnent (DOLE) na gawing Child Labor Free ng Pilipinas.

Kaugnay nito, inilunsad ng DOLE ang kampanya nito para palakasin ang implementasyon ng Child Labor Prevention and Elimination Program at tuluyan nang maging child labor-free ang bansa.

Batay sa pagtataya ng DOLE, tinatayang apat na milyong bata ang nasasadlak sa Child Labor at dalawang milyon dito ang nasa mapanganib na uri ng hanapbuhay na siyang gustong solusyunan ng pamahalaan.

Sa isinagawang programa sa occupational safety and health center sa Quezon City, nagkaroon ng simbolikong turn-over ng working tools mula sa mga child laborer kapalit ng school supplies, uniporme at scholarships mula sa pamahalaan.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply