Gusot ng China, Pinas ‘di mauuwi sa giyera– DFA

NANINIWALA ang Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi mauuwi sa giyera ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at China na may kaugnayan sa pinag-aawayang Scarborough Shoal o Panatag Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sinabi ng kagawaran na sinisikap ng pamahalaan ng Pilipinas na maresolba ang nasabing gusot sa mapayapa at maayos na pamamaraan.

Samantala, kahapon (Mayo 10) muling tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na ligtas at malayang makapangingisda ang Pinoy fishermen sa Panatag Shoal.

Sa katunuyan ani BFAR Director Asis Perez, na isa hanggang limang bangka ng mga mangingisdang Pinoy ang nakapangingisda roon araw-araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply