China ‘di natitinag sa tensyon sa Scarborough

HINDI natitinag ang China sa posibleng paglala ng tensyon sa pinag-aagawang Scarborough Shoal.

Batay sa pahayag ni Chinese Vice Foreign Minister Fu Ying, kinokondena ng China ang patuloy na pagpapalabas ng pahayag ng Pilipinas na nakasisira umano sa reputasyon ng kanilang bansa sa mata ng international community.

Iginiit pa ng China na binabalewala ng Pilipinas ang paki-usap ng China na huwag nang palalain pa ang sitwasyon sa pinag-aagawang Scarborough Shoal.

Sa kabila nito magpapatupad naman ang Pilipinas ng bagong diplomatic initiative kaugnay sa tensyon sa Scarborough Shoal.

Naunang nagpahayag ng panibagong babala ang Beijing na handa sila sa oras na lumala ang maritime standoff sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply